Kanang ventrikulo

Ang mga ventrikulo ng puso ay ang dalawang ibabang guwang ng puso. Ganap itong sarado at hubog.Ang pag-urong ng ventrikulo ay sumusunod sa pag-urong ng atrium, at mas malakas at mas matagal kaysa rito. Pinaghihiwalay ang mga ito ng makapal na dingding ng kalamnan na tinatawag na septum sa pagitan ng mga ventrikulo. Itinutulak ang dugo papunta sa pulmonary artery ng kanang ventrikulo. Ang kanang ventrikulo ay pinaghihiwalay mula sa kanang atrium ng tricuspid valve. Ang kanang ventrikulo ay pinaghihiwalay mula sa pulmonary trunk ng pulmonary valve.Tumatanggap ang kanang ventrikulo ng venous na dugo sa pamamagitan ng kanang atrium at itinutulak ito papunta sa baga sa pamamagitan ng pulmonary artery.